Kanina pa siya nakatingin kay Olivia sa di kalayuan, nakasunod ang mga mata niya sa bawat galaw ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na after five years nakita niya muli ang babaing unang minahal. Ramdam niyang iba ang ang kabog ng kanyang dibdib sa excitement. Kumakabog ang dibdib niya na tanging si Olivia lang ang nakakagawa. Napakaganda pa rin ni Olivia, mas lalo itong gumanda sa paningin niya, nagkaroon ng tamang hubong ang katawan nito. Nasa tindig nito ang isang successful na babae, confident na confident ito sa pagdadala ng sarili. Hindi tuloy niya maiwasang lalong humanga rito. Nalaman niyang may exhibit si Olivia sa Paris dahil kay Mr. Santillan. Sinabi nito ang buong detalye kaya naman wala siyang sinayang na sandali, agad siyang lumipad patungong Paris para makita si Olivia. Si