Gideon-97

2012 Words

"May problema ba Olivia?" Gideon asked habang nasa biyahe sila patungong San Rafael, doon muna kasi sila mag we-weekend ngayon, request ng Mommy at Daddy niya. "Wala naman, kulang lang siguro ako sa tulog," pagsisinungaling niya. Maaga kasi silang nagising para bumiyahe na patungong San Rafael. Tahimik lang siya dahil hindi niya alam kung ano ang iisipin sa napag-usapan nila ng lolo niya kahapon sa loob ng opisina niya. Sinabi sa kanya ng lolo niya na nais nitong maangkin ang Saavedra Santillan Hospital. Iyon daw talaga ang plano nito kaya pumayag itong pakasal siya kay Gideon. Sa simula palang daw may plano na ang lolo niya kay Gideon. Sinabi ng lolo niya noong araw na umalis siya patungong Paris para iwan ang buhay niya sa San Sebastian ay nagtungo raw si Gideon sa lolo niya para paki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD