Makalipas ang ilang linggo nasanayan na niya ang araw-araw nilang routine mag asawa. Siya ang naghahanda sa isusuot ni Gideon papasok sa ospital, siya rin ang nagluluto ng almusal nila. Kahit busy siya nais pa rin niyang magampanan ang obligasyon niya sa asawa, iyun lang naman ang magagawa niya para rito. Lalo na't walang araw na hindi pinatunayan ng asawa sa kanya ang pagmamahal nito sa kanya ng sobra-sobra. "This weekend nagyaya sina Mommy at Daddy na doon muna tayo mag stay kahit isang araw lang," sabi niya kay Gideon habang kumakain sila ng almusal. "Sure why not, namimiss ko na rin magpatakbo ng kabayo," Gideon answered Ngumiti siya sa asawa. "Ako din na mi-miss ko na ang asyenda," she said. Matapos nilang kumain bumiyahe na sila ng asawa papasok sa ospital. Sinabihan pa siya nito

