Kinabukasan maaga siyang bumangon para ihanda ang dami na isusuot ni Gideon sa ospital, siya man naghanda na rin ng damit na isusuot papasok sa ospital. Mahimbing pa ang tulog ng asawa niya nang lumabas ng silid. Ilang beses pa nga niyang sinulyapan ito, habang natutulog, pinagsawa niya ang mga mata sa pagtitig sa gwapong asawa. Pagbaba niya naghanda naman siya ng almusal nilang mag asawa, naghanda pa rin siya kahit hindi siya sigurado kung kakainin ng asawa ang ihahanda niya. Kagabi kasi hangagang hating gabi siyang naghintay sa asawa para sabay silang kumain nito, iyon nga lang hindi pa rin nito kinain ang inihanda niya. Patapos na siya sa niluluto niya nang marinig niyang ang tinig ni Gideon napasilip siya sa may komedor at nakitang nakabihis na ang asawa niya. Hindi nito sinuot ang

