Gideon-102

1003 Words

"Olivia, Olivia." Narinig niyang may tumatawag sa kanya, kasabay ang pagyugyog sa balikat niya. "Hmmm," tanging tugon niya sa inaantok pa niyang diwa. Nagpatuloy ang pagtawag sa kanya at pagyugyog sa balikat niya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. "Olivia, bakit dito ka natutulog?" Narinig niyang tanong ng lalaking nakatayo sa harapan niya. Naningkit pa ang mga mata niya para makilala ang lalake. Inaantok pa kasi siya kaya hindi niya agad nakilala at naunawaan ang nangyayari. "Gideon," mahinang tawag niya sa lalake nang makilala ito. Dumating na pala ang asawa niya, hindi man niya namalayan. Bahagya siyang nasiyahan, dahil nakauwi ang asawa niya sa bahay nila. "Halika na umakyat na tayo," anyaya ni Gideon sa kanya habang nakatingin ito sa kanya. Nakakunot ang noo nito na tila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD