"Garreth mamaya na lang sumama kasi ang pakiramdam ni Via kanina," siya na ang tumugon kay Garreth, dahil baka umoo pa si Olivia at makipagsayaw sa pinsan niya, eh samantalang siya hindi pa niya ito nasasayaw. "Ah.. How are you, Via?" Garreth asked buti na lang din at Via na ang tawag nito kay Olivia. Sinulyapan pa siya ni Via bago tumugon kay Garreth. "I am ok now, Garreth," Olivia answered. "Buti naman, sige magpahing ka muna," Sabi pa ni Garreth at hindi niya nagustuhan ang paghaplos nito sa balikat ni Olivia. Pinigil lang niya ang sarili, mabuti na lang agad na rin itong umalis at iniwan na sila ni Olivia. Pinaupo muna niya si Olivia at sumenyas sa waiter na lapitan sila. Pinag order niya ng juice at makakain si Olivia, dahil nga sumama ang pakiramdam nito kanina. Pero halata naman