Kanina pa niya hinahanap si Olivia sa ibaba, at hindi niya ito nakita. Pinasok na nga niya ito sa comfort room pero wala rin. Kahit sa crowd wala din ito kaya naman nagtanong-tanong na siya sa mga nakakakilala rito kung napansin nila ito, ngunit wala siyang nakuhang magandang sagot hanggang sa malapitan niya si Garreth at matanong ito tungkol kay Olivia, nasabi ng pinsan na nasa rooftop ito at mag isa kaya naman agad na siyang umakyat sa taas para samahan si Olivia. "Bakit mo iniwan si Emma?" Olivia asked. Nahimigan niya ang kakaiba sa tono nito. "Ano bang sinasabi mo Olivia?" Kunot noong tanong niya. Bago niya balikan kanina sa comfort room si Olivia, nag usap muna sila si Emma. Sinabi na niya kay Emma na tapos na siya rito, at huwag ng umasa pang tawagan pa niya ito muli. Tapos na siy