"Kailan ba ang balik mo ng San Sebastian ah Gideon? Bakit narito ka pa rin sa New York eh wala ka namang ginagawa na rito?" Usisa sa kanya ng pinsang si Gian nang mamasyal ang pamilya nito sa New York at nakipagkita sa kanya ang pinsan. Ilang buwan na kasi siyang tapos sa mga inaasikaso niya sa pagkatatapos niya pag-aaral at inaasahan na siya ng lahat na umuwi na ng San Sebastian para ma turn over na sa kanya ng Papa nya ang pagmamanage sa Saavedra Santillan Hospital. May mga ibang negosyo pa kasi ang Daddy niya at nais nitong siya na ang magpatakbo sa ospital. Hindi pa nga lang siya umuuwi dahil naghihintay pa siya ng go signal sa lolo ni Olivia na si Mr. Santillan. Sobrang apat na taon na ang nakakalipas nang umalis siya ng San Sebastian para sa New York na mag aral ng kolehiyo sa kurso