"Ano po? Ako ang uupo sa posisyon ni lolo sa ospital?" Gulat niyang tanong Mommy niya matapos marinig ang sinabi nito. "Yes, Via. Ikaw ang napili ng lolo mo para sa posiyon na iyon. Isa pa ikaw ang panganay sa mga apo niya, at alam mo namang may edad na rin ang lolo mo, at kailangan na niya talagang magpahinga," litanya ng Mommy niya sa kanya. Napalunok siya at nanatiling nakatingin sa ina. May mga plano na siya at isa sa plano niya ang hindi na pagbalik ng pilipinas. Nais niyang dito simulan ang career niya bilang isang artist. Nalalapit na nga ang unang exibit niya dito at tutulungan siya ni Basty. "Oh, what happened? Bakit ang tahimik niyo?" Tanong ng Daddy niya nang pumasok na muli sa loob. Tapos na marahil ito sa kausap. "Lance, sinabi ko na kay Via ang hiling ni Daddy na bumalik