Nanginginig ang buong katawan niya. Hindi siya makagalaw, nakatulala siyang nakatingin sa saradong pintuan kung saan lumabas si Gideon. Hindi siya makapaniwala na nagawa siyang tanggian nito. Hindi ba't s*x lang naman ang gusto nito sa kanya, eh bakit siya nito tinanggian? Anong laro ni Gideon? Matapos ang mahabang sandaling pagkatulala niya nanlalambot siyang bumagsak sa sahig na hubod't hubad habang nanginginig pa rin ang katawan sa pagkapahiya niya kay Gideon. Masakit man aminin pero oo napahiya siya kay Gideon. Sadya siya nitong pinahiya porket hindi siya tumutugon sa pag a i-i love you nito sa kanya. Paano siya tutugon sa I love you nito, kung sinasabi lang naman nito iyon para maikama siya at mabola siya, katulad ng ginagawa nito sa mga naging babae nito. "Damn it!" Mura niya at ki