"Importante pa ba iyan Gideon? Hindi ba't ang mahalaga naman ay kasal na tayo, mag asawa na tayo at magagawa mo na ang lahat ng gusto mo sa akin dahil asawa mo na ko," Olivia said. Natigilan siya, iba nga yata ang dahilan ni Olivia sa pagpapakasal nila. Siya kase mahal niya ito kaya niya ito pinakasalan. Napatitig siya sa magandang mukha nito. Napakainosente nitong tignan, na tila ba hindi kayang manakit. Pero wala itong kamalay-malay na dahil sa sinabi nito ay tila nadurog ang puso niya. Nasaktan siya. "Maaangkin mo na ko ngayon Gideon, ano man ang gusto mo magagawa mo na sa katawan ko. No limitation, Gideon," patuloy pa nito sa kanya at sinubukang abutin ang labi niya. Wala sa loob na napaiwas siya. Napakunot ang noo nito sa ginawa niyang pag iwas. "Gideon? Why?" Nagtatakang tanong ni