Kabanata 26 – Nag-aalala

1629 Words
Maaaring mahina siya, ngunit kaya niyang makipaglaro rito. Hindi niya ito maitulak kaya humiga siya doon at inabot ang p*********i nito. Hindi niya ito masisipa sa kaniyang posisyon, kaya maaari niya lamang gawin ang makakaya niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kahabaan nito, lubhang idiniin ang pag-ipit dito. Wala na siyang pakialam kung gaano kasakit iyon. Ang mahalaga ay makalayo siya sa lalaki at makaalis sa lugar nito. Napangiti siya nang lumayo ito sa kanya at nakangiwi sa sakit. Minura pa siya nito kaya naman bumwelo siya para sipain ito. Kumalabog ang puso niya nang mamilipit ito sa sakit at nahiga sa sahig. Mabilis niyang hinablot ang kaniyang bag mula sa coffee table at dumiretso na sa pintuan. Dali-dali niyang inilabas ang kaniyang phone para magbook ng taksi. Ilang beses din siyang lumingon habang dire-diretsong tumatakbo palayo. Ilang kanto din ang nilampasan niya bago siya tumigil at naghintay ng masasakyan. Hinihingal na siya sa mga sandaling iyon at tagaktak na ng pawis. Nakakabwisit lang ang gabing ito. Sana naman ay hindi na siya habulin ni Randall. Damn bastard. Napaka-peke! Hindi niya akalaing napapaniwala siya nito. Manloloko! Akala niya ay magaling na siyang kumilatis ng tao, hindi pala. Hindi ka na talaga makasisiguro sa mundong ito. Maraming magagaling magpanggap. Damn good actors. Napabuntong-hininga siya at gumaan ang pakiramdam nang sa wakas ay dumating na ang taksi. Ibinigay niya rito ang address ni Klyde bago sinubukang pakalmahin ang sarili sa backseat. She smirked, in a disgusted way. Sinong mag-aakalang mas masama pa pala si Randall kumpara kay Cedric? At least si Cedric, lantaran ang ginagawa at hindi nagpapanggap. Sa kabutihang palad, Biyernes noon at walang pasok ng weekend. Hindi niya alam kung paano kakaharapin si Randall sa trabaho pagdating ng Lunes. Bukas pa ang uwi ni Klyde. Napangiwi siya. Muntikan na talaga siyang mapahamak. She only felt safe nang makarating siya sa kanyang silid. Staring at her phone, iniisip niya kung ano ang gagawin. Wala pa siya sa mood matulog. Ayaw niyang abalahin si Lily. Alam niyang kasama nito si Cedrik, with a K, ngayong gabi. Napangiti si Mel sa naisip. At least, matino ang isang iyon. Aprubado niya para sa kanyang kaibigan. Nakilala na niya ito at napakalaki ng pagkakaiba nito mula sa kanyang masamang kakambal. Bumuntong-hininga siya bago nahiga sa kama. Medyo nagugutom siya. Nakaka-stress, eh. Nag-order siya ng fried chicken at pizza mula sa pinakamalapit na restaurant. She blocked Randall’s number and squinted. Mas mabuting iwasan siya nito sa opisina. Ugh. Bakit kasi nasa iisang departamento sila? Huh. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit hindi ka dapat makipag-date sa isang katrabaho. Kapag nangyari ang mga ganitong bagay, magiging magulo lang ang sitwasyon. Tiyak na mapapansin ng kanilang mga kasamahan kung lalayuan niya ito pagdating ng Lunes. Ano nga ang dapat niyang gawin? Isang linggo na lang ang kailangan niya para makuha ang reward mula kay Klyde. Napaawang ang labi niya habang nag-iisip ng mabuti. Hindi. Hindi pwedeng hindi niya makuha ang perang iyon. Titiisin niya ang susunod na linggo bago magbitiw sa kanyang trabaho. Nang mabalitaan ni Klyde na nakipag-date si Melissa, nagalit ito. Sinabihan na niya ito na hindi siya pumapayag ngunit nagpumilit pa rin itong pumunta. Hinintay pa talaga na nito na makaalis siya. Ganoon ba nito kagustong makipag-date? Wala na siya sa mood na makipag-usap tungkol sa negosyo at gusto na niyang bumalik agad. Ngunit iginiit ng kanyang assitant na kailangan niyang dumalo sa meeting na iyon. Dumiretso siya sa bahay nang matapos sila. Balak niyang parusahan ang dalaga dahil sa pagsuway nito sa kaniya. Hindi niya talaga gusto kapag sinusubukan ng iba na kuhain pa ang nasa kanya na. Nagtungo siya sa silid nito. Minsan nila-lock nito iyon, minsan naman ay hindi. Sinubukan niya ang door knob at pinihit iyon. Huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang tingin bago pumasok sa loob. Natigil sa kaniyang lalamunan ang mga salitang gusto niyang sabihin dito. Ang nadatnan niya ay ang nakakaawa nitong hitsura. Mabilis na napawi ang kanyang galit. "Anong nangyari?" Nakakunot ang noo niya habang dahan-dahang nilapitan ang dalaga. Mel pouted at dahil hindi pa niya nagagawang ikwento sa kahit kanino ang tungkol doon, napatitig siya sa binata. Pakiwari niya ay alam na ni Klyde ang pakikipag-date niya kahapon, ngunit hindi ang mga detalye noon. Bakit siya pupuntahan nito sa kwarto niya kung hindi pa nito alam? Malinaw na nandito ito para pagalitan siya. “He was a bastard. A two-faced bastard.” Panimula niya sa kanyang reklamo. His lip twitched. Obvious naman na galit ito. Hindi lamang inis ngunit tunay na galit ang nakikita niya sa mukha nito. "Sinabi ko naman sa'yo na huwag kang makikipag-date pero ginawa mo pa rin." Bakit? Bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya? Inirapan niya ang lalaki. “Oo na. Mali na ‘ko. Dapat nakinig ako sa iyo." Humarap siya sa binata habang nakaupo sa kama, at sinimulan niyang ikwento dito ang mga nangyari. “Hindi ko talaga inakala na ganoong klaseng tao pala siya. Manloloko ang gago. Mas masahol pa siya sayo..." Blah, blah, blah... Hindi alam ni Klyde kung dapat ba siyang ma-offend. Mas masahol pa sa kanya, ha? Was that some sort of compliment? Or a praise? Ikinuwento nito ang lahat sa kanya, mula simula hanggang wakas. Talagang tinatrato niya ang lalaki na tulad ni Lily. He found himself gritting his teeth when she talked about how the bastard kind of forced himself on her. “It was utterly disgusting. To think I even considered sleeping with him. I’m so glad I didn’t.” She’s got no censor and he felt an indescribable anger towards the man. Nakita ni Mel ang mga pagbabago sa ekspresyon ni Klyde. Maaaring hindi ito aktibong nakikipag-usap sa kaniya, ngunit nakikinig naman ito at nagpapakita ng reaksyon. Sapat na iyon para ipagpatuloy niya ang pagdadaldal dito. “I mean, I thought it was odd na hindi niya ako binigyan ng bulaklak. A real gentleman would. Kahit pa pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. At isa pa. Pagkatapos naming kumain ay dinala niya ako agad sa bahay niya. He should’ve brought me somewhere else first. To relax. To feel more comfortable. Maybe a bar, di ba? Ugh.” Talagang iritado ang ekspresyon niya. "Dapat mas sinaktan ko pa siya, sana sinipa ko pa nang isang beses. Para hindi na rin niya magawang gamitin ang sandata niya." Akmang itinaas pa ni Mel ang kanyang paa at sinipa ang hangin sa harap niya. Nakatayo lang si Klyde malapit sa paanan ng kanyang kama. "Bar talaga ang naisip mo? Hindi iyon makakatulong sa iyo. Mas manganganib ka kapag nalasing ka. Mas mapapadali para sa isang tulad niya na pagsamantalahan ka." May nasabi rin sa wakas ang binata. Hindi niya matanggap ang pangit na mga ideya ng dalaga. Maging ang kanyang pakahulugan ng isang maginoo ay hindi rin tama. "Bakit? Hindi ba ‘ko pwedeng pumunta sa bar nang hindi umiinom?" Paghahamon pa niya. “Alam ko ang tolerance level ko. Saka hindi naman ako iinom ng kung anu-ano." Dagdag pa ni Mel. “Oh, talaga? Masyado ka pang inosente kaya ka naloko ng lalaking iyon. If he sweet-talks you into drinking, saying he would take care of you, won’t you have drunk several glasses?” Mel pursed her lips. May punto ito. Baka nga ganoon ang gawin niya. Umiinom siya kapag may kasama siyang sa tingin niya ay mapagkakatiwalaan niya. He smirked nang matahimik ang babae. Still, he’s not entirely assured. Lumapit siya kay Melissa at tinitigan ang mukha nito. "Sinaktan ka ba niya?" Seeing his actions, she grudgingly told him that she’s fine. She was shaken pero magaan na ang pakiramdam niya ngayon. Kagabi pa siya nakahiga lang sa kama niya at nagpapahinga. She tried to process it all in her head, para na din ma-adjust niya ang sarili. From her thoughts to her actions. Hindi niya hahayaang makaapekto ito sa buhay niya. “Sayang lang at kailangan ko pang magtrabaho ng isang linggo bago ako makapag-resign. Kung maaari lang mag-reresign na ako agad sa Lunes para hindi ko na makitang muli ang bwisit na lalaking iyon.” She looked at him with puppy eyes. Umaasa siya na papayag ang lalaking i-waive ang natitirang isang linggo, payagan siyang mag-resign ng mas maagap at ibigay pa rin ang gantimpalang ipinangako nito. Kumunot ang noo nito, tila hindi nauunawaan ang nais niyang ipahiwatig sa pagpapakita ng nakakaawa niyang ekspresyon sa binata. He just kept on frowning and Mel resignedly sighed. “Dalawang buwan na sana akong nagtatrabaho sa opisina at gagantimpalaan mo ako ng pera, di ba? Nakalimutan mo na ba? Sabihin mo sa akin, kailangan ko ba talagang makisalamuha sa bwisit na iyon sa susunod na linggo bago mo ibigay sa akin ang pera? Hindi ka ba naaawa sa ‘kin? Isang linggo na lang naman, di ba? Maging mabait ka naman, kahit ngayon lang." Ah, iyon pala ang gusto nitong ipahiwatig. “Kailan pa ako naging mabait? Ganiyan talaga ang realidad ng buhay. Minsan may makakatrabaho kang mga tao na kinasusuklaman mo. Kumpletuhin mo iyong dalawang buwan at bibigyan kita ng pera." Ngumuso si Melissa. Wala talagang puso ang isang ‘to. Hinaplos niya ang sariling braso na napansin naman ng lalaki. It’s normally a gesture to comfort one’s self. Didn’t she say she was only slightly shaken? Well, that’s beside the point. He would still deal a blow on the bastard. The man might be unable to show up for work next week. “Cheapskate…” Bulong ng dalaga, ngunit talagang gumaan ang pakiramdam niya matapos nilang mapag-usapan ang mga nangyari. Ngumiti siya. Di niya akalain na kay Klyde pa talaga siya magcoconfide. Gusto rin niyang burahin ang mga alaala niya tungkol kay Randall. Sinimulang titigan ni Mel ang binata. Napataas ang isang kilay nito nang mapansin iyon. /stary/
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD