SOFIA Sabay kaming lumabas ni Chase ng opisina ko. Naghiwalay lang kami ng ihatid niya ako dito sa ward kung saan ako naka-assign. Hindi siya pumayag ng sabihin ko sa kaniya na pumunta na siya sa silid kung saan naroon ang kaibigan niya, kaya hinayaan ko na lang dahil alam ko naman na hindi ko siya mapipigilan. Abala ako sa ginagawa ko nang lumapit sa akin si Doctor Joylyn at kinalabit agad ako sa braso. “Sofie, sino ‘yung poging naghatid sa iyo dito sa ward?” “Sino?” kunwari ay patay malisya na tanong ko sa kaniya. “Yung ka-holding hands mo kanina ng makita ko kayo sa hallway,” madaldal na sagot ng kaibigan ko. Ususera rin talaga kung minsan ang isang ito. Hindi naman kami nag-holding hands kanina ni Chase. Hinawakan lang niya ako sa braso at iyon ang nakita ni Joylyn pero iba na an