“Did you like it, baby?” There is a shy smile on his lips when he asked that. Marahan akong tumango habang may ngiti sa mga labi. “Yes. I didn’t just like it. I love it.” Ang cute niya talagang tingnan kapag nahihiya siya. Inilapit niya ang kamay ko na hawak niya para mahalikan iyon. “Thank you, baby. Let’s eat first.” Muli lang akong tumango. Minsan ay nauubusan ako ng sasabihin dahil makalipas ang ilang oras ay ngayon pa lang sa akin nag-si-sink in na may ganitong nangyayari. Wagyu steak at salmon sashimi ang nakahain sa harapan namin. Mayroon din kaming tig-isang baso ng red wine na kanina ay panaka-naka akong sumisimsim dahil sa kaba. “Here’s yours, baby…” Hihiwain ko pa lang sana ‘yong steak na nasa plato ko nang kinuha niya iyon at palitan noong sa kanya na ngayon ay na-cut