"Uhm, flowers for you..." Hindi agad ako nakasagot kanina sa tanong niya dahil nabibigla pa rin ako. Dati ay hanggang pangarap at imagination ko lang ito, pero ngayon ay hindi ako makapaniwala na nangyayari na. Caleb just asked me for a date. Damn! Am I dreaming? "T-thank you..." I saw how my hands trembled when I accepted the flower from him. Ramdam ko ang pagtatagal ng titig niya sa akin kaya pakiramdam ko ay nagsisirko na lahat ng nasa loob ko. I just settled my eyes on the flowers. Hindi ko matagalan ang tingin niya dahil baka himatayin na lang ako bigla. Halos mapapikit ako sa bango ng bulaklak. Sino ang nagbigay nito sa kanya? Kanina lang habang naglalakad kami ay wala naman siyang hawak nito. Hindi ko na napansin dahil abala ako kanina sa paghanga sa ganda ng paligid. My in