Chapter One Hundred Thirty-Eight

2367 Words

I stayed in our mansion for two days. Mabuti na lang din at weekends kaya wala akong pasok sa hotel. Kawawala lang din halos ng lagnat ko kaya sa buong araw na nandito ako sa mansyon ay nasa kuwarto lang ako. Wala pa akong balak umuwi sa village, wala na akong balita sa mga tao na nandoon. Kung hinahanap ba nila ako o ano. Ang tanging sinabihan ko lang ay si daddy para hindi na siya mag-alala pa at magtanong. Sunud-sunod kasi ang naging pagtawag niya kay Nanay Gloria, siguro ay nalaman na niya ang nangyari hindi ko lang alam kung paano. “Oh, hija… saan ka pupunta? Uuwi ka na ba? Okay na ba ang pakiramdam mo?” Nagulat pa si Nanay Gloria nang bumaba ako sa kusina. Kasalukuyan siyang umiinom ng kape. Alas tres na rin kasi ng hapon. “Okay na po ako. Lalabas lang po ako saglit, babalik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD