Namayani ang ilang minutong katahimikan sa amin. Sa sobrang tahimik ay aakalain mo na pareho kaming hindi nakakapagsalita. Ilang segundo pa ang nagdaan nang biglang tumayo si Chelsea. Napaangat ang aking kilay. Aalis na yata siya. Mabuti naman naisipan na niyang umalis nang hindi ko itinataboy dahil kung tumagal pa iyon ay baka ako na ang magpaalis sa kanya. “I have got to go.” Hindi na niya ako hinintay at tinalikuran na ako. Nagmartsa siya papunta sa main door. Napailing naman ako nang magbaba ang tingin sa pagkain na hindi pa niya inubos. Nahiya pa siya sa cake na iisang subo na lang at juice na ilang inom na lang. At dahil medyo mabait naman ako ay sumunod ako sa kanya hanggang sa labas. Nagpasya akong ihatid siya kahit hanggang sa gate dahil pinatuloy ko naman siya rito bilang