“Wala na bang mga naiwan? Sa kuwarto n’yo, girls?” Paninigurado ni Tornado sa aming lahat. Nandito na kami sa labas. Ngayon na ang araw na babalik kami sa Maynila. Parang ayaw ko pa nga dahil masyadong maganda rito sa Batangas. Alam ko na hindi lang ako ang napipilitang umuwi dahil nag-e-enjoy rin ang mga kasama ko. Siguro kung wala kaming pasok at may mahaba ulit na bakasyon ay mabuti pa na rito na ulit pumunta. Dala na rin namin dito sa labas ang mga gamit na dala namin dito noong pumunta. Ang nakakatuwa nga ay tig-iisang maliit na bag lang ang dala namin noong nasa byahe sa pag-aakalang sa isang restaurant kami pupunta pero ngayong pag-uwi ay mayroon na kaming isa pang bitbit na malaking bag. Ang sabi kasi ni Buhawi ay sa amin na ang mga iyon dahil wala nang ibang gagamit noon bukod