"BOSS, nahirapan kaming kunin ang isang 'yan. Siguradong nag-training 'yan dahil bihasa nang gumamit ng baril at makipaglaban." "As I expected. Mabuti at nakuha n'yo na siya." "Hindi siya madaling hanapin, Boss. Naiwan naman ang kasama niya, siguradong patay na rin 'yon." "Sigurado ka? If he still alive, ikaw ang papatayin ko." "B-boss? Si-sigurado po." Naririnig ko ang kanilang usapan ngunit hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Gusto ko sanang buksan ang aking mata ngunit minabuti kong pumikit na muna. Ang bigat ng pakiramdam ko at nahihilo pa ako dahil sa amoy ng panyo na tinakip kanina sa ilong ko. Hindi ko rin maikilos ang kamay at paa ko dahil sa pagkakagapos. Giniginaw na rin ako at ang lamig ay halos tumagos na suot ko. Pakshit! Nakahubad na ako?! Bigla akong natigilan n