Nagtulog- tulugan si Green pagkatapos itong bisitahin ng kanyang Doktor. Walang nagawa si Hunter kung hindi ang bumuntonghininga na lamang. Naisip din nitong maybe that's not the right time upang pag- usapan nilang mag- asawa ang nakabinbin nilang issue. Napagpasyahan ni Hunter na huwag muna sa mga oras na iyon, may respeto naman siya talaga at may puso hindi lang iyon makita at maramdaman ni Green. Hanggang sa sumapit ang hapunan, naipadala na ang hapunan ni Green. "I know that you're awake, it's time for your dinner." Wika ni Hunter sa nakatalikod na si Green. Subalit ni hindi kumilos o sumagot si Green, dedma lamang ito. "Look, kung si Aling Goreng nagagawa mo ang gusto mo sa akin hindi. Kakain ka o ako ang magpapakain sa'yo?" muling sabi ni Hunter sabay buhat kay Green upang mapaupo