Malapit nang makarating sina Green sa kanilang bahay subalit hindi pa din nito maisip kung bakit nagawa ni Hunter iyon sa harapan ni Leonard kanina. Hindi kasi mawaksi- waksi sa kanyang isipan ang eksena kanina doon sa may parking lot. Kung kaya't marahaa na binalingan ni Green si Hunter na seryosong nagmamaneho. "What?!" tanong ni Hunter nang maramdaman nitong nakatingin di Green sa kanya at alam nitong magkasalubong ang mga kilay nito. "Hindi ko lang lubos na maisip 'yong ginawa kanina sa harapan ni Leonard. Hindi mo naman obligasyon na magkukunwari pa sa harapan ng mga taong hindi naman mahalaga sa akin. Wala akong pakialam kung ano man ang kanilang sasabihin at kung ano ang kanilang magiging reaksyon kapag nalaman nilang hiwalay na tayo." Saad ni Green saka humalukipkip at inalis na