Habang papalapit nang papalapit si Green sa anak niya ay halos madurog ang puso nito. Pinipigilan niya lang ang hindi maiyak at mahagulhol, nais niyang magmukhang matapang sa lahat. Kahit na deep inside ay para na siyang ginutay- gutay. "Kumusta anak? Okay na ka ba?" boses ni Aling Gina ang nagpabalik sa malay ni Green. Napalunok ito at marahang tumango. "Mabuti naman kung ganoon! O, hindi mo ba kakargahin ang anak mo?" wika pa din ng Ginang. Natitigan naman ni Green si Baby Hanz saka nito sinulyapan si Hunter na nasa kanyang tabi. Walang makikitang expression sa mukha ni Hunter, blangko iyon. "Huwag na po Inay baka...magbago ang isipan ko at mapadede ko siya ulit. Ayokong mangyari iyon kasi madami na akong iniinom na gamot, may antibiotics pa po ako at bawal niyang madede iyon." Tang