Halos hindi nakakain si Hunter, hindi pumapasok ang pagkain sa kanya. Tila bumabara ito sa kanyang lalamunan, nasulyapan niya ang kabaong ni Mang Teddy. Wala sa sariling lumapit ito at tinitigan ang nakahimlay na biyenan. "I'm sorry 'Tay Teddy, I didn't mean it pero aaminin kong may agreement nga kami. Nagpadala ako sa bugso ng aking damdamin, but I have the rights. Maybe that's her way to get out of my life at ayoko siyang pigilan kung ayaw na niya talaga." Bulong ni Hunter. "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit tila masyado siyang apektado gayong ang alam ko ay kagustuhan naman niyang makipaghiwalay na dahil hindi na niya ako kinulit that time. Hinihintay ko lang naman na ipaglaban niya kami ni Baby Hanz pero ang dali niyang sumuko at sumang- ayon sa nasabi ko gayong alam niyan