Naisugod nga sa hospital si Green, hindi humupa ang lagnat nito. Sinat na lang din ang kay Baby Hanz nakatulog din ito nang ikumot ni Hunter ang tubal na damit ni Green. Nagdedeliryo si Green at tinatawag ang anak nito, kamuntikan pa nga itong nag- kombulsyon mabuti na lamang at naagapan. "Naalala ko pala bawal pa sa'yo ang malakas na aircon, hayyyts!" wika ni Aling Goreng na siyang nagdala kay Green sa hospital. "Pasensiya na po kayo Tiya, naabala ko pa kayo. Naulanan kasj ako no'ng umuwi kami ni Arthur baha sa daan, sinuong ko na lang po makarating lang agad sa bahay." Malungkot na sagot ni Green. "Batang ito, bakit hindi mo agad sinabi? Aba'y nakakabinat talaga ang tubig ulan wala ka pang apat na buwan eh o kaya limang buwan. Hayaan mo pagkalabas mo maligo ka ng tubig ulan para kahit