" 'Nay?" halos hindi lumabas ang boses ni Green nang tawagin niya si Yaya Gina. Madaling araw na nakarating sa probinsya, ganoon talaga kapag bus ang sasakyan. Maraming beses kasi itong mag- stop over kaya matagal makarating sa probinsya. Tulog si Aling Gina, nasa divan itong upuan na gawa sa Narra. Malapit lang sa may kabaong ni Mang Teddy. Subalit, ang isang Ina ay matalas ang pakiramdam wika nga ng iba kusang nagmulat ang mga mata ni Yaya Gina. "Green?!" nasorpresa ang Ginang sabay bangon. Ngumiti si Green, niyakap nito ang kanyang Inay. "Bakit ka nagbalik agad? Akala ko ba, mahirap padedehin sa bote si Baby Hanz? Kaya nga pinauwi kita agad hindi ba? Kasama mo ba siya? Isinama mo na din si Hunter anak? Dumating na ba siya galing business trip niya?" Sunod-sunod na tanong ni Yaya Gin