Kabanata 46 "Is it true? Uuwi ulit si Adrianna?" tanong sa akin ni Christian ilang minuto pagkauwi niya mula sa trabaho. Mula sa magazine na binabasa ay nag angat ako ng tingin sa kanya. He's slowly rolling the sleeves of his button down shirt. "Sinabi sa'yo ni Mommy?" Tumango siya. "I got a call from her this afternoon. She asked me to tell you about it. You're not answering her calls and texts." I placed my eyes back to magazine and flipped it, trying to focus on the pictures. "Why is she going home this time? Magpapakasal na ba sila?" tanong ko. Hindi sumagot si Christian. Ilang sandali lang at nalasahan ko ang pait mula mismo sa mga sinabi ko. Natigilan ako, ang mga mata ay tagusang nakapako sa isang larawan ng gusali. Huminga ako ng malalim at isinara ang magazine. I lift