“ANONG nangyayari?” Nagtatakang lumabas si Thoie ng kaniyang kwarto, matapos niyang mabungaran sa bintana ng kaniyang silid ang napakaraming mga reporter sa labas ng mansion. Nagkasabay sila ni Ken na lumabas din ng silid nito. “Ken, anong meron?” Nagkibit ng balikat ang lalaki. “Hindi ko alam, baka tungkol kay Don Inigo—pero imposible dahil kung tungkol sa kaniya, dapat ay sa hospital sila nagpunta. Everyone knows he was confined.” Malalim na bumuntong hininga ang lalaki at tumingin sa kaniya. Kakaiba ang mga mata nito kumpara sa normal at naniningkit nitong mga mata, ngunit hindi mabasa ni Thoie kung ano ang ibig nitong ipahiwatig. Hinawakan na lamang nito ang kaniyang palad. “Let’s check?” tanong nito matapos ay marahang pinisil ang kaniyang palad. Ikinatango niya ang sinabi nito. M

