Alessia’s Point of View Pinatawag kami ni doktora para saluhan sila sa pananghalian. Alam niya raw kasi na sarado ang mga tindahan na pwedeng mabilhan ng pagkain sa malapit dahil sa sama ng panahon. Laking pasasalamat ko nang sabihin niya iyon. Libre naman daw ang pagkain ng pasyente sa clinic nila at dahil sa panahon ay pinasobrahan na niya ang pinalutong pagkain para sa lahat na. Ang bait ni doc ano? Sana all! Ibaba na lang daw ang pagkain para samahan namin mga pasyente namin na kumain. Parehong pinalipat na sa ibang silid sina Tatang at Ate Neriza kasama ang baby niya. Baka raw kasi may pasyenteng biglang isugod doon. Hindi pa kasi tiyak kung anong pwedeng mangyari sa oras na mag-landfal na nga ang bagyo. Sana nga ay h’wag na itong dumating at matunaw na. Kapag nagkataon ay naka