Alessia's Point of View "Patay kang bata ka—" sambit ko habang nakatingin kay Romanov na aksidente kong naitulak sa ulan. Hindi lang pala ulan, sa mismong alulod ng pathway na aming kinaroroonan. Ang sama ng tingin niya sa akin kaya nang bumalik siya sa silong ng ay mabilis akong lumayo. Hindi ko naman talaga sinadya. Bigla kasing humangin tapos may kasamang ulan. Malay ko bang lampa siya at madali lang matibag? Hindi naman kasi halata sa tangkad niya't pangangatawan. Pero patay talaga ako. Anong gagawin ko? Mag-sorry kaya? Ganoon naman dapat hindi ba? Sa itsura niya ay mukhang hindi niya ako patatawarin, pero— susubukan ko na rin. Itinaas ko ang isang kamay ko at dahan-dahan nag-peace sign sabay sabing, "S-Sorry—" habang nakangiwi at ilang na ilang. Hindi siya agad nagsalita kaya