Chapter 58

2232 Words

Napataas ang isang kilay ni Lucy nang matanggap ang reply ni Amir. Medyo nagulat siya nang mabasa ito dahil noong huling pag-uusap nila ang sinabi nito ay wala siyang ganoon kalaking halaga na maibibigay sa kaniya. Nawala rin naman agad iyon dahil natuon ang atensyon niya sa isang salitang halos kumikinang sa kaniyang mga mata. Ang salitang cash. Pati ang labis niyang inis sa matanda dahil sa hindi niya matawagan ang numero nito sa ilang beses niyang pagsubok nang umagang iyon ay mabilis na napalitan ng tuwa. Alam niyang may bagyo sa probinsyang kinaroroonan nina Amir at Gio at ang ideya nitong cash ay pabor na pabor sa kanila ng anak niyang si Leon. “Ano ‘yan? Bakit parang ang saya mo yata bigla?” usisa ng babaeng nasa kaniyang harapan na ilang minuto na nitong kakwentuhan. Balak niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD