Kahit napakalakas ng ulan ang bumubuhos sa Sta Cruz ay walang takot na pinuntahan ng nakatatandang kapatid ni Alessia na si Kennedy at ng mga kasama niya ang lugar kung saan may ini-report na punong nabuwal. Nakaharang sa mismong national road na nagsanhi ng matinding trapiko at dahil nawalan ng signal ang dalawang malaking network sa probinsya ay hindi agad nakarating sa munisipyo ang balita. Malakas pa ang hangin at ang mga sanga ng puno ay nagsisipagsayaw sa bawat pa-ihip nito. Malalakas ang kulog at ang kidlat ay gumuguhit talaga sa kalangitan. Sa ibang mga lugar ang zero visibility na talaga ang daan at kailangan mag-ingat ng husto kahit na magmamadali na sila upang makauwi sa kanilang mga bahay at makalayo sa lugar kung saan mismo tatama ang malakas na bagyo na si pinangalanang Hug