Alessia’s Point of View “Ang cute-cute mo naman!” Gigil na gigil ako sa sanggol na buhat ko ngunit may takot rin na baka mapisa ko siya sa braso ko. Ang liit kasi at malambot pa ang mga buto ng kasisilang pa lamang na bata. Dahan-dahan ko siyang henehele habang pinagmamasdan ang kulay rosas niyang balat. Hindi pa rin ako makapaniwala na nag-iba na ang kulay niya sa loob lamang ng ilang minuto. Nalinisan na siya ng nurse pero may mga bakas pa rin ng batik-batik na kulay puti sa balat niya. Hindi ko alam kung ano. Iba ang amoy niya pero hindi naman masakit sa ilong. “Bakit po kanina iba ang itsura niya. Ganoon po ba lahat ng bagong panganak na sanggol, kulubot ang balat nila at kulay talong?” Hindi ko na napigil ang bunganga ko at akin na ngang inusisa at dahil doon ay pinagtawanan nila t