Makalipas ang isang napakahabang biyahe sa himpapawid ay nakalapag na rin sa isang lokal na paliparan sa Europa ang private plane ni Gio. Gabi na ngunit hindi niya alintana ang oras dahil gusto na niyang malaman ang katotohanan sa lalong madaling panahon. Plano niya pagkatapos ng autopsy ay ipa-cremate na lamang niya ang natitira sa labi ng ama upang maiuwi niya pabalik sa Pilipinas. Nang magkasama na sila ng kaniyang mahal na asawa sa iisang mausoleum. Isang itim na Audi ang sumundo sa kaniya sa paliparan. Dinala siya sa address na ibinigay sa kaniya ng pathologist na gagawa ng autopsy sa labi ng yumaong Don Alejandro. Medyo hirap pa silang matunton ang lugar dahil hindi nila mahanap ang numero sa hilera ng mga establisyemento na nasa tabi lang ng kalsada. Nagtanong ang driver sa isa