Natanggap na ni Gio ang resulta at positibo sa chemical element na nakasaad sa maliit na papel ang bangkay ng kaniyang ama. Mataas ang na level ng arsenic sa baga nito na siyang naging dahilan ng pagkakasakit at pagbilis ng buhay nito. Hindi lang sa baga nito mayroon, sa kaniyang kidney at bituka rin na tila ba naroon lamang bago ito binawian ng buhay dahil kung hindi mananatili sa kaniyang bituka iyon kung matagal na dahil sasama na sa ibang mga ipinasok na pagkain sa kaniyang tiyan. Salamat sa ginamit na kemikal na tumulong upang hindi mawala ang mga ebidensya na iyon. Halos mapamura si Gio sa nalaman. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono at kulang na lang ay madurog sa kaniyang kamay. Nagsasalita pa ang kaniyang kausap kaya naman may kaunti pa ring pag-iingat upang hindi masira