Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa ni Gio na pagluksahan ang kaniyang ama. Hindi bagay sa kaniya ang umiyak dahil sa personalidad na tumatak sa isip ng mga taong nakapaligid sa kaniya ngunit nang mga oras na iyon ay wala na siyang pakialam. Ang alam niya lamang ay ilabas lahat ng nasa kaniyang dibdib at hayaan ang banayad na luha na dumalay hanggang maubos kung mauubos man ang mga iyon. Kahit umiiyak ay naroon pa rin naman ang kakisigan. Hindi naman siya iyong taong sumisigaw pa habang umiiyak. Tahimik lang at tanging mga hikbi nitong kumakawala sa kaniyang bibig ang maririnig. Napaupo na siya sa muwebles na hagdan habang yakap ang urn kung nasaan ang abo ng kaniyang kaawa-awang ama. Hindi lang siya ang malungkot nang mga sandaling iyon. Maging si Henri na nasa kaniyang tabi ay maluh