Nang makauwi si Gio, ang tanging nasa kan'yang isip ay magpahinga. Bawiin ang puyat at lakas na nawala dahil sasabak nanaman siya sa panibagong hamon. Nakatulog siya nang mahimbing na kaniyang labis na pinagpasalamat. Sa kaniyang pagmulat ng mga mata sa panibagong umaga na iyon, pakiramdam niya ay pinindot ang reset button sa buhay niya para makadama siya ng kagaanan. Wala na ang matagal na bigat na nanahan sa kaniyang kalooban. Nagulat din siya sa sarili nang makita niya ang sariling repleksyon sa salamin na may ngiti sa mga labi. Ginawa na niyang magprepera at bumaba upang mag-agahan. Nagtatakang pinagmasdan siya ng mga kasambahay habang kumakain. Pasilip-silip lamang sila sa may pintuan at sinugurong hindi sila nakikita. May napansin kasi silang kakaiba ngunit hindi matukoy kung a