Alessia’s Point of View Nang makaalis si Romanov para magpalit ng kaniyang suot ay sabay kaming natawa si William. Paano ba naman kasi, ang pormal ng suot niya. Ang gara at halatang mahal. Sa palengke lang naman po kami pupunta at ang sapatos na suot ng loko ay baka kayang mabili ang buong palengke gamit lamang ang isa. Natatawa ako na ewan, parang naawa rin sa kaniya. Pero hindi naman siya nakaaawa talaga dahil lahat ng mga gawain ay may gumagawa para sa kaniya dahil marami siyang maibabayad hindi ba? Naisip ko na baka hindi pa alam ng bagong butler at pasikot-sikot dito kaya hindi niya mautusang mamalengke mag-isa. Mukhang hindi kasi tagarito. Hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. Hindi naman sa sinasabi kong kilala ko ang lahat ng mga tao rito pero parang malapit na rin doon dahil