Alessia's Point of View Dinala niya ako sa opisina niya. Iniwan namin sa labas ang lalaking nakita kong nasa likod niya nang pagbuksan niya ako ng pinto kanina. Hindi ko kilala. Hindi naman kamukha ni Mr.Romanov para isipin kong kapatid niya pero may itsura rin naman ito at mukhang may pinag-aralan dahil sa tindig at ayos. Inasahan kong magbubukas ng pinto ay ang butler niyang si Amir, ngunit parang wala ito. Habang nakasunod ako ay hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang likuran niya. Nanibago kasi ako sa kaniyang ayos. Nakapambahay lang kasi ito, simpleng t-shirt na gray at jogging pants na kulay itim na sumasayad ang laylayan sa sahig at dahil sa haba. Naapakan na nga niya at medyo nahihila pababa ang suot niyang pang-ibaba. Hindi naman mukhang mahuhulog kaya safe ang mga mata ko. Mai