Giovanni’s Point of View “Did she use her spell again?” Hindi ko maiwasan na itanong ito sa sarili ko pagpasok ko sa sasakyan. Matagal ko nang alam na may kakaiba sa kaniya dahil sa mga pinararamdam niya sa akin sa tuwing magkalapit kami. Marahil naninibago lang ako dahil sanay akong naka-poker face at hirap sa pagpapakita ng emosyon na na-trap sa loob ko nang mahabang panahon. I was smiling like crazy para sa isang napakababaw na dahilan. Closing deals worth billions for countless times didn’t make me this emotional in front of anyone. Umalis ako agad nang walang sabi-sabi dahil hindi ko alam kung paano ang dapat kong i-react sa harapan niya. My lips formed a smile that made me want to cover my mouth and slap myself to wake up. Ayokong pagtawanan niya ako o may masabi siyang kakaiba da