Nakapagpiyansa na at nakalabas ang karamihan sa mga miyembro ng mga Earth Warrior sa istasyon ng pulis. Naiwan na lamang sa loob ang mag-asawang Clemente, si Alessia, ang treasurer at ang kasama nitong reporter at cameraman. Natapos na ang interview sa mag-asawa at sa isang opisyal ng kapulisan. Inere na rin nila ang nakuhang interview sa lokal na television station at sa radyo na napapakinggan sa buong Pilipinas. “Salamat sa pagpunta, Lea,” wika ni Mrs.Clemente sa reporter habang naglalakad ang mga ito palabas ng istasyon ng pulis. “Ano ka ba naman ma’am! Alam mo naman always akong available basta ikaw,” masayang sagot ng reporter na kay lawak ng ngiti habang sinasabi iyon. “Sabi ko nga!” segunda naman ng ginang na medyo natawa sa sinabi ng babaeng reporter. “Tingin mo makakakuha tayo