Chapter 11

1786 Words
Alessia's Point of View Ang sabi Lunes daw magsisimula ang minahan, hindi naman pala. Dalawang linggo na ngayon at dalawang Lunes na rin ang dumaan. Ilang araw na lang at ikatlong Lunes na mula nang Lunes na sinabi nila. Ang ayon kay kuya ay soon pero wala siyang nabanggit na eksaktong araw kaya wala kaming alam. Umaasa na lamang kami sa mga report na ibinibigay ng mga nakatira sa malapit sa bundok. Nangako siya na tatawagan ako pero hindi naman niya ginawa. Hindi ko na siya mahagilap mula noon. Lagi siyang wala at hindi ko rin matawagan dahil laging busy ang linya ng telepono sa bahay man o sa gamit niyang cellphone. Hindi ko alam kung naka-block na ba ako o talagang umiiwas lang siya. Gawain niya naman kasi talaga at dahil sa balitang natanggap namin na bago ay may mas malaki akong rason para istorbohin siya. Wala raw si kuya noong dumating ang buyer. Iyong bilyonaryong sinasabi nila na nakabili ng malaking parte ng bundok. Huli na nang mabalitaan nilang nasa Potipot Island daw ang meeting. Nilihim nila sa ibang opisyal na anti-mining at nang araw ring iyon ay sinabihan siya ng Mayor na siya na lamang ang um-attend ng conference sa Boracay. Hindi lang siya, kasama niya ang ilan pang mga opisyal na dapat ang mayor ang dadalo ngunit siya na lamang ang pinapunta. Kay ate Trixia ko nalaman ang mga ito. Aniya pa, parang sinadya na wala ang mga anti sa proyektong minahan at lahat ng anti ay pinasama sa conference para masigurong walang aberya habang inaayos nila ang gusot sa unang pakikipagharap nila sa Romanov na iyon. Hirap pa si ate Tixia na ma-contact si kuya dahil may mga lugar raw sa kinaroroonan nila na wala halos signal. Sa lumipas na dalawang linggo ay halos sumabog ang inbox namin at panay ang tawag sa amin ng mga tao. Ang ilan ay mga kakilala at ang iba naman ay mga mamamayang nakatira mismo malapit sa bundok. Kaniyang-kaniya na ngang tunay ang malaking bundok ng aming probinsya at may bali-balita na matutuloy pa raw niyang bilhin ang isang parte ng bundok ng Sierra Madre. Kapag iyon ang sinira, mas malaking problema. Naghihintay kami ng sagot sa sulat na pinadala naman nakaraan bilang petisyon na huwag ibenta ang bundok ngunit nagpahanggang ngayon ay wala pa ring sagot. Nabili na at lahat. Nagkabayaran na ng buong halaga pati buwis ay advance na ring ibinigay kaya ang mga mukhang pera ay hindi magkandaugaga. Sa pondo raw ng probinsya mapupunta. Parang hindi naman alam ng mga tao na sa bulsa lang nila. Mayaman naman ang probinsiya dahil maraming tourist spots at dinadayo naman talaga ngunit ewan ba. Hindi naman na rin nakakapagduda kung saan nahuhulog ang barya. Hindi sa alkasya ng masa kundi sa mga kaban ng nakaupo sa trono. Araw na ng Sabado ngunit heto kami naghahanda para sa protestang aming binabalak para sa pagbubukas ng minahan. Ayaw kaming bigyan ng permit ngunit buo ang loob naming ihatid ang aming mga damdamin. Lahat ng mga mamamayan ay na roon naninirahan ay sasama raw dahil hindi sila papayag sa nais ng munisipyo dahil sila ang higit na maaapektuhan. Ngayon pa nga lang ay malaki na ang perwisyo sa kanila. "Marami na raw truck silang nakitang papunta sa bundok. Mukhang tuloy na tuloy na nga talaga ang pagbubukas ng minahan." Bagsak ang balikat na anunsyo ni Ma'am Pearl sa amin. Itong darating na Lunes na raw mag-uumpisa. Inaayos na nila ang daraanan ng mga truck papunta sa bundok. Nakalulungkot ang mga mensaheng natatanggap ng namin. Hindi na mabilang at lahat ay humihingi ng tulong. Galing sa mga mamamayan na roon nakatira matapos makatanggap ng mga sulat na ibinaba ng munisipyo na sila ay pinaalis na sa lupa ng gobyerno kung saan nakatirik ng kanilang mga bahay at kung saan nakatanim ang kanilang mga sinasakang mga palay. Dalawang buwan pa ang kailangan nilang hintayin bago anihin at isang linggo lamang daw ang ibinigay na panahon sa kanila upang magsialis sa lupa na pagmamay-ari ng gobyerno. Tapos na ang taning at ikalawang linggo na ngayon ngunit hindi pa rin sila umaalis. Halos kasasabog pa lamang ng iba ng kanilang guano at wala raw responsibilidad ang munisipyo sa mga iyon. Hindi raw sila magbibigay ng tulong sa mga pinapaalis at ang may sariling lupa naman na maaaring madaanan ng gagawing kalsada patungo sa bundok ang mga makatatanggap ng pera base sa halaga ng kanilang nasakop ng lupa. Matagal na raw kasi silang pinaalis roon dahil nasa tabi nga iyon ng bundok. Kesyo delikado raw ngunit hindi sila nakinig. Napakawalang puso naman ng alkalde na iyon. Hindi ko nga ibinoto iyon dahil sa bayang iyon ako rehistrado at hindi sa kung saang bayan ako nakatira ngayon. Gusto kong tawagan si kuya upang matulungan ang mga tao ngunit hindi pa sila nakababalik galing sa Boracay ng mga kasama niyang mga opisyal. Ilang araw na akong naiinis sa sarili ko dahil gusto kong may magawa man lang para sa mga kababayan ko sa tulong ng nakatatanda kong kapatid ngunit heto ako, nganga pa rin hanggang ngayon. “Giovanni?” usal ko sa isip. Lihim akong nangingilo at nakadarama ng galit sa tuwing aking maririnig ang pangalan o apelyido niya. Panay pa naman sila banggit dahil siya ang aming kalaban ngayon. May hatid na kilabot sa sistema ko lalo na kapag ini-imagine ko ang itsura niya. Malakas ang kutob ko na matandang mataba ang bilyonaryong kailangan naming harapin. Pwede rin naman na kasing katawan siya ni Bill Gates at Elon Musk pero kaniya ay mas kulubot ang balat. Kung ano-ano na lang talaga ang naiisip ko sa inis sa kaniya. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis e halos wala siyang amor sa mga tao. Nagdududa na tuloy ako kung tao ba siya o hayop, baka alien o sadyang wala lang siya puso? Sa bagay, karamihan naman ng mga taong napakaraming pera ay mga masasama ang mga ugali. Kung hindi matapobre ay mga walang awa. Hay naku! Tumataas talaga ang dugo ko para sa taong iyon. ***** Third-person’s Point of View “Sabihin mo sa kanila na kailangan dapat ngayon mismong araw ay nakaalis na sila! Kahit Linggo bukas ay magpapadala ako ng demolition team para tanggalin ang mga bahay at nang malagyan ng maluwang na madaraanan ang mga truck!” bulyaw ni Mayor sa kaniyang kausap sa telepono. “Pero Mayor-” “Wala nang pero-pero! Gawin mo ang inutos ko dahil hindi lang ako ang malalagot kapag hindi naisaayos ang daan bago mag-Lunes. Naiintindihan mo ba?” putol ni Mayor Eugenio sa kaniyang kausap. “Opo Mayor,” mabilis nitong sagot at nang marinig iyon ng matabang Mayor ay kaniya nang ibiniba ang hawak na telepono. “Mga bobo talaga,” usal niya at isinandala ang likod sa kaniyang kinauupuan. Minasahe niya ang kaniya magkabilang sentido dahil bahagyang sumakit ang kaniyang ulo. Ganoon ang kaniyang ayos nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina sa kanilang bahay. Araw ng Sabado at araw ng pahinga ngunit naroon siya at stress na stress. “Bakit gan’yan ang itsura mo?” tanong ng babaeng pumasok sa silid. Kaniya iyong asawa, si Corazon na mas bata sa kaniya ng labinlimang taon. Pangalawang asawa na niya iyon, Hiwalay na sila ng una. May apat siyang anak sa una niyang asawa at wala pa silang anak ng ikalawa kahit limang taon na silang nagsasama. Hindi pa kasal ngunit nagkapirmahan naman na sila ng kaniyang unang asawa at sinusuportahan naman niya ang kaniyang apat na mga anak na lahat ay nag-aaral sa sikat na unibersidad sa Maynila. May dala itong merienda at malamig na maiinom. Nang makita siya ng Mayor na papasok sa pintuan na bitbit ang tray ay lihim siyang natawa. Tiyak siyang maglalambing nanaman dahil may kailangan sa kaniya. “Pinasasakit ng mga tauhan ko ang ulo ko nang sobra,” kaniyang sagot habang sige pa rin sa pagmamasahe ng kaniyang masakit na sentido. “Bayad naman ‘yang sakit ng ulo mo hindi ba? Binalaan naman na kita noon na sakit sa ulo lang ang makukuha mo sa pagbebenta ng minahan. Hindi ka kasi nakinig,” anang ginang habang palapit sa lamesang naroon sa gilid sa tapat ng bintana di kalayuan kung saan nakaupo si Mayor. May ngisi sa labi nito na hindi nakikita ng ginoo dahil nakatalikod ang ginang sa kaniya. Pagkalapag ng tray na kaniyang dala kung saan naroon ang merienda ay nilapitan naman niya ang kaniyang mister at siya na ang nagmasahe ng sentido nito. “Matigas din kasi ang ulo mo,” usal ni Corazon at idiniin ang pagmamasahe sa sentido ng kaniyang mister ngunit hindi naman ito nasaktan, masarap pa nga ang sensasyong hatid noon sa kaniya. “Ayan, gan’yan…” komento nito habang nakapikit ang mga mata at dinadama ang sarap sa bawat hagod ng kaniyang misis. “May bayad ito loko,” natatawang wika ni Corazon. “Haha! Sabi na e! Magbabayad naman ako. Magkano ba?” “Isang bag lang naman. Kung anong brand alam mo na kung ano,” mabilis na sagot ng babae na lihim na nagagalak nang husto nang mga oras na iyon. Pinalambing niya pa ang kaniyang boses upang siguradong mabili ang kaniyang nais. “Sige, bumili ka na sa Lunes,” anang Mayor. Napatalon ang puso ng babae sa narinig at agad siyang humakbang palapit sa Mayor at pinaghahalikan ang mukha nito kahit malangis at bakubaku, Markang naiwan ng mga tigyawat. Napadilat na ginoo dahil sa ginawa ng kaniyang asawa. Natatawa na lang siya sa reaksyon nito. Ganoon kadaling pasayahin kahit na mahal ang halaga. “Sure ‘yan?” tanong ni Corazon. Naniniguro. “Oo nga,” sagot niya naman sabay kabig palapit sa kaniyang magandang misis. Hindi naman nagpatangay ang babae. Lumayo ito agad sa kaniya. “Mamaya na lang gabi,” aniya rito at may landi sa boses. “May lakad kami ng mga kaibigan ko ngayon e. Magpapa-spa muna ako at facial para fresh na fresh para sa’yo,” dugtong niya pa na tinapos sa isang kindat. Na-excite naman ang Mayor. Napangiti nang kay tamis. “Umalis ka na pala. Basta mamaya,” anang Mayor na kita sa mga mata ang pananabik para sa darating na gabi. “Oo,” sambit ni Corazon at kumaway na lamang sa Mayor habang kagat ang kaniyang ibabang labi. Paglabas niya sa pinto at pagsara niyon ay mabilis na nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Mistulang nasusuka ang kaniyang itsura na nakita ng isang bodyguard ng Mayor na stay in sa kanila. Natawa ito nang mahina. Lumingon siya sa paligid at nang makitang walang ibang tao ay mabilis siyang humakbang palapit sa asawa ng Mayor at hinila ang braso nito papunta sa isang bakanteng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD