NAGKAROON ng free day sina dad, mom and Callon ngayong araw. Kaya napag-isipan naming manood ng movie rito sa living room. Ayaw naming gamitin ang theater room. Si dad pala ang nag-aya na manood para magkaroon ng family bonding kami pero hindi naman lumabas si Collete. Maayos na talaga ako. Kaya okay na ako na makita siya or marinig ang boses niya. Wala na rin akong galit sa kanya, sa kaibigan na lamang niyang si Carmella. At, iyong lalaking nagtangka sa akin ay nakapag-plansya sabi ni dad sa akin pero makukulong pa rin siya ng ilang buwan sa kulungan. Subukan pa niyang gawin sa akin iyon, babasagin na talaga ang itlog niya. Sabi nga ni Benedict dapat daw ay sinipa ko nang sinipa para raw hindi na magkaroon ng baby. Dapat talaga ginawa ko iyon. Hindi niya deserve magkaroon ng baby