CHAPTER 24 Pakiramdam ni Maxine ay saglit na huminto sa pagtibok ang puso niya habang magkahinang ang mga mata nila ni Kurt. Maging ito man ay matamang nakatitig sa kanya at halos hindi kumikilos sa kinatatayuan. "He's the one I was referring to you," saad ni Kristine sa kanya, nakangiti at wari ay hindi pansin ang nakaiilang na sandali sa pagitan nila ng binata. Disimuladong hinamig ni Maxine ang kanyang sarili. Napalunok pa siya nang mariin kasabay ng muling pagsulyap sa kamay ni Kristine na nakahawak pa rin sa braso ni Kurt. Then, she forced a smile. Kung kapani-paniwala ang ngiting namutawi mula sa kanya ay hindi niya alam. Pakiramdam niya kasi ay namamanhid ngayon ang buo niyang katawan. "Siya ang talagang imbitado sa event na ito. Pinilit niya lang akong sumama sa kanya," patuloy