Pag uwi nila ng bahay agad na nilang pinagpahinga si Arkin para makapag usap sila ni Vince ng maayos tungkol sa mga nangyari sa bahay ng mga magulang nito. Ewan niya kung bakit kailangan umabot sila sa ganitong sitwasyon ni Vince eh nagmamahalan lang naman sila. Kung bakit ang daming tutol sa pagsasama nila. Pinagpasalamat nga niyang umalis agad si Mica kanina, kung hindi baka mauuwi na sila nito sa sabunutan, masyado kasing matabil ang dila nito at kung anu-ano na ang sinasabi. Hindi na lang nito tanggapin na hindi ito kailanman pipiliin ni Vince over her, dahil siya ang mahal ng asawa. "Anong napag-usapan niyo ng Papa at Mama mo?" Tanong niya kay Vince nang lapitan ito sa may mini bar kung saan umiinom ito. Kilala na niya ang asawa, sa tuwing iinom ito sa mini bar mag isa alam niyang m