Katulad ng sinabi ni A, kinahapunan ay pumunta ito sa bahay nina Aarah para sabay silang pumunta kay Bart. Mas maaga itong dumating kaysa sa inaasahan niya. Mabuti na lang at nakaligo na siya. Nakatulog kasi ang dalaga pagkatapos nilang "maglaro" kanina sa cellphone. "Hi!" masiglang bati sa kaniya ni A nang papasukin niya ito sa kanilang munting tahanan. At saka siya nginitian nang matamis. Simpleng puting T-shirt at cargo shorts ang suot nito pero napakaguwapo pa rin. At ang bango-bango pa nito. Bukod sa bagong ligo ay nanunuot din sa ilong ni Aarah ang paborito nitong pabango. Hindi tuloy napigilan ni Aarah ang lumapit dito. "Hi!" masaya rin na bati niya sa nobyo nang tumigil siya sa harapan nito. Ilang dangkal na lang ang pagitan nila. Tinawid ni A ang distansiya nila. Hinapit si