Chapter 83

1789 Words

Gulat na gulat si Aarah nang mga sumunod na araw ay nadatnan niya ang kaniyang pamilya na nilalantakan ang sandamakmak na pizza, donuts, at milk tea. Animo'y fiesta na nagsalo-salo sa lapag ang mga ito. "Saan ho galing ang mga iyan, 'Nay? Bakit ang dami-dami?" punong-puno ng pagtataka ang mukha na tanong ni Aarah sa ina na noon ay punong-puno ng donut ang bibig. Isinubo yata ang buong bavarian. "Huwag n'yo ho sabihin na ipinadala iyan ni A?" Dahil nga mga puno ang bibig ng pamilya ni Aarah kaya wala agad siyang nakuha na matinong sagot mula sa mga ito. Puro ungol lang ang narinig niya kaya hinintay muna niyang makalunok ang isa man sa mga ito. "Siguradong kay A galing ang mga iyan," tila kausap na lang niya sa sarili. "Naku, gumastos na naman siya! Makukurot ko talaga sa singit ang taon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD