"Aarah..." Tumulo ang luha ni A habang magkayakap silang dalawa. Mas inuna niyang damhin ang nobya kaysa ang pansinin ang kaibahan ng paligid na kinaroroonan nila. At kung bakit may nakita siyang mga doktor at nurse sa paligid. Baka dahil muntikan na siyang mamatay kanina kaya isinugod siya ni Aarah sa ospital. "Sabi ko na nga ba, eh, may ginawa lang sa'yo ang gagong Grey na iyon kaya tinalikuran mo ako at pinili mo siya," dagdag pa ni A na bakas sa boses ang takot. Ramdam niyang sandaling natigilan si Aarah sa sinabi niya ngunit hindi ito kumibo. "Sa susunod, huwag mo na uli gawin iyon, ha?" pagpapatuloy ni A habang hinalik-halikan ang buhok ng kasintahan. "Baka hindi ko na kayanin kapag sinabi mo uli sa'kin ang mga gan'ong salita. At gusto ko na sabihin mo rin sa'kin kapag tinakot ka u

