Mabibilis ang kilos na ginawa ni A habang hinahanda niya ang romantic dinner nila ni Aarah. Gusto kasi niya iyong matapos bago ito magising. Bagaman duda ang binata na magigising agad ang nobya. Siguradong pagod na pagod ito sa ilang beses nilang pagniniig. Ipinatikim niya kay Aarah ang mga s*x position na bago rito. Mahihirap iyon kaya siguradong sumakit ang katawan nito at mahimbing na mahimbing ang tulog. Bagaman alam ni A na tulad niya ay sobra ring nag-enjoy kanina si Aarah. Ilang sandali pa, gamit ang ilang mga bagay na nakita lang niya sa paligid, ay naihanda na ni A ang romantiko nilang hapunan ni Aarah. Ang mga upuan at lamesa ay mga malalaking bato na inayos lang niya. Pati ang ibang mga pagkain na tulad ng saging, mangga, at inihaw na isda ay pinaghirapan lang ding kunin ni A s

