"Wew! Ang sarap talaga dito! Ang presko ng paligid." Napangiti si A nang makita si Aarah na masayang-masaya habang papunta sila sa gilid ng falls para lumublob na sa tubig. Maganda naman kasi talaga ang paligid. Natural na natural. Walang bakas na nagalaw na ito para ayusin. "O, magdahan-dahan ka at malumot na ang mga bato. Baka madulas ka." Mabilis niyang hinapit sa beywang si Aarah para alalayan. "Pakiramdam ko ang lamig-lamig ng tubig diyan. Pero ang sarap pa ring lumublob." "Let's go? Para malaman natin kung sino ang makakatagal sa lamig at kung sino ang takot sa tubig," pangdi-dare ni A sa nobya. Nagyayabang siya nitong binalingan. "At ako pa talaga ang hinamon mo, ha? Kahit hubo't hubad pa ako, 'no!" Pagkatapos nitong magsalita ay inalis ni Aarah ang suot na bra at panty na lang

