Hindi naging madali ang biyahe nina A palabas ng Cordillera. Nadaanan kasi nila ang epekto ng papalabas pa lang na supertyphoon. Maraming mga tulay ang nasira, mga bundok na gumuho, at mga bahay na nawasak. Mapuputik din ang mga nadadaanan nilang kalsada. Sa tulong ng impluwensiya ni Grey ay nakadaan sila sa mga delikadong lugar na hindi pa binubuksan para sa publiko. Nakatago man ang kanilang mga de-kalibre na baril, batid ni A na alam ng mga taga-Cordillera ang pupuntahan nila. May mga nagpaabot pa ng pabaon tulad ng dasal, pagkain, at kung ano-ano pa. Halos lahat sila ay naghahangad na maiuwi nila ng ligtas si Grey. Patunay na talagang mahal ito ng buong rehiyon. Paglabas nila ng Benguet ay saka lang nakita ni A ang iba pa nilang kasamahan na sinasabi ni Tatang Jose. Nagpahinga sila

